Close

Donnie Nietes, umakyat na sa super flyweight

Sponsor ads


Binitawan na ni Donnie "Ahas" Nietes ang kanyang IBF flyweight belt para makipagkumpitensya sa nabakanteng World Boxing Organization super flyweight title.

Sinabi ni Nietes sa Facebook page ng ALA Promotion na itataas na niya ang timbang niya sa 115.

Ayon kay Nietes, hindi naging madali ang kanyang desisyon pero matagal na niyang pangarap na maging isang 4th division world champion at makalaban ang mga malalaking pangalan sa super flyweight.

Nagpasalamat naman si Nietes sa International Boxing Federation dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kanya na maging world champion.

Matatandaan na tagumpay na nadipensahan ni Nietes ang kanyang IBF flyweight belt sa pamamagitan ng pag-knock out kay Juan Carlos Reveco sa Los Angeles, USA noong February 25.

Kalaunan ay sinabi ni Nietes na gusto niyang makalaban si Roman "Chocolatito" Gonzales sa super flyweight division.

(PHOTO: JHAY OH OTAMIAS)