Close

Donaire, tinalo ng Japanese champion sa bantamweight fight

Sponsor ads


Bigo si Nonito Donaire Jr. na talunin ang Japanese boxing champion na si Naoya Inoue sa kanilang laban para sa World Boxing Super Series bantamweight tournament.

Umabot sa record breaking 20,000 ang bilang ng crowd na nanuod sa laban na ginanap sa Saitama Super Arena, sa Saitama, Japan.

Naging dikit ang laban ng dalawang boksingero sa loob ng 12 rounds kung saan ay nagawa ng "The Filipino Flash" na pahirapan ang hapon na sampung taon na mas bata sa kanya.

Sa second round pa lang ay naging malalakas na ang mga pinakawalang suntok ng dalawang boksingero.

Sa 11th round ay kumonekta ang malakas na kaliwa ng hapon sa katawan ni Donaire na naging dahilan upang bumagsak ito sa kanyang mga tuhod.

Gayunman, nagawa ng 4-division champion na makatayo muli at makalaban hanggang sa huling round.

Naging unanimous ang desisyon ng judges na nagtala ng scores na 117-109, 116-111, at 114-113 na lahat ay pabor kay Inoue.


(Photo via: standard.co.uk)