Close

Donaire, dehado sa betting odds vs Inoue

Sponsor ads


Inaabangan na ng mga boxing fans ang World Boxing Super Series finals para sa bantamweight division sa pagitan nina Nonito 'The Filipino Flash' Donaire Jr. at Naoya 'The Monster' Inoue na gaganapin ngayong araw sa Super Arena sa Saitama, Japan.

Nakataya ang IBF champion belt ni Inoue at ang WBA (Super) championship title sa isang unification fight.

Subalit batay sa SportsbookReview.com nasa -1200 favorite ang Japanese Fighter ilang oras bago ang nakatakdang bakbakan.

Ibig sabihin nito na kailangan mong pumusta ng $1,200 para manalo ng $100.

Samantalang si Donaire ay kasalukuyang nasa +575 underdog, na ibig sabihin ay kapag pumusta ka ng $100 sa Filipino Champ, ay maari kang manalo ng $575.

Una nang sinabi ni Donaire na hindi magiging madali ang laban niya sa Japanese boxer na may impresibong record na 18W - 0L , kung saan labing anim sa panalo nito ay via knockouts.