Close

Doktor at balikbayan sa Pangasinan, nasawi sa COVID-19

Sponsor ads


Inanunsyo ng gobernador ng Pangasinan, habang nananawagan ng karagdagang testing kits para sa kanyang nasasakupan, na nasawi dahil sa COVID 19 ang isang doktor at balikbayan sa kanilang probinsya.

Ayon kay Governor Amado Espino III, may travel history ang 77-anyos na doktor sa US at may binisita rin itong kamag-anak sa Metro Manila.

Ipinunto rin ni Espino na nasawi ang 70-anyos na balikbayan habang meron 2 iba pang kaso ang patuloy na ginagamot.

Dagdag ni Espino, meron 33 iba pa ang minomonitor dahil sa hinihinalang infection ng virus habang nasa 13 ang nanatili sa mga ospital.

Iginiit ng gobernador na nasa mahigit 3-milyon ang mga tao sa Pangasinan at kailangan na nila kaagad magpasuri upang maihiwalay na ang mga infected ng virus.

Mababatid na kabilang ang doktor sa mga frontliners ng bansa na nasawi habang nilalabanan ang COVID 19.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa ng Department of Health ang kabuoang bilang ng mga healthworkers na nasawi sa COVID 19.//RAMAK KOWSARI




Image from: Province of Pangasinan Facebook page