Close

DoH: Mag-ingat sa Tawa-tawa capsules online

Sponsor ads


Patuloy pa rin ang paglobo ng mga bilang ng mga nagkakaroon ng Dengue sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pumalo na sa 167,607 ang bilang ng mga nagkakaroon ng Dengue mula Enero.

Sa bilang na ito, 720 na ang mga kumpirmadong binabawian ng buhay.

Samantala, ayon naman kay DoH Epidemiology Bureau Dir. Ferchito Avelino, 70% na mas marami ang mga nagkakadengue sa kanilang monitoring.

Sa loob lamang ng isang linggo ay nakapagtala kaagad sila ng higit sa labing dalawang libong kaso.

Samantala, nagbabala naman si Duque sa pagbili ng 'Tawa-tawa' capsules online.

Ayon sa Kalihim, ang mga ganitong uri ng gamot kasi ay kinakailangan pa ring sumailalim sa regulatory authority ng Food and Drug Administration.
#