Close

DoH, may paalala para di ma-food poison

Sponsor ads


Nagbigay ng ilang paalala ang Department of Health para maiwasan na ang pagkakaroon ng food poisoing.

Ito nga ay kasunod ng pagiging biktima ng 270 na mga guests sa birthday party ni dating First Lady Imelda Marcos sa Pasig.

Sa panayam naman ng Brigada NewsFM kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ipinaalala nito sa mga food handlers ang malinis at maayos na preparation ng pagkain.

Ugaliin umano ang paghuhugas ng kamay at pagkonsumo sa nalutong pagkain sa loob lamang ng ilang oras mula nang ito ay lutuin.

Samantala, para naman daw sa mga nakaranas na ng sintomas nito gaya ng pananakit ng tiyan, huwag nang mag-atubiling magpakonsulta sa doktor.

Kinakailangan daw kasing masuri kaagad ang pasyente at mabigyan ng karampatang lunas para hindi na rin madehydrate.
#