Close

DoH, kinundena ang Pharmaceutical matapos tanggihan ang price decrease sa gamot

Sponsor ads


Nanawagan ang Department of Health sa grupo ng mga pharmaceutical companies na maging sensitibo naman sa mga mahihirap.

Ito ay makaraang hind nito tanggapin ang proposal ng Kagaaran na magkaroon ng bawas-presyo sa nasa isangdaang mga gamot sa bansa.

Pinanindigan ni Health Secretary Francisco Duque na dapat ay maipatuad ang pagkakaroon ng maximum drug retail price para sa high blood, diabetes, sakit sa puso, cancer, at iba pa.

Ayon sa Kalihim, sa isang 'middle-income' country ay higit pa ring mas mataas ang presyo ng gamot dito sa Pilipinas, kumpara sa mga mas mayayamang bansa.

Nauna na kasing sinabi ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na maaring maka-apekto ang bawas-presyo sa gamot sa mga maliliit na retailers.

Posible rin daw na i-withdraw na ng mga kumpanya ng gamot ang paglulunsad nila sa mga medications dito sa Pilipinas.
#