Close

DoH, itinanggi ang VIP treatment sa politicians re: Covid-19 testing

Sponsor ads


Itinanggi ng Department of Health (DoH) ang alegasyon na pina-prayuridad nila ang testing sa mga politicians at government officials para sa coronavirus infection kumpara sa mga persons under investigation (PUI).

Depensa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga nasuri na mga high level officials, ay pasok sa itinakda nilang criteria.

Paglilinaw pa ni Vergeire, ilan sa mga opisyal na ito ay may travel history abroad, o may exposure sa virus carrier, o pareho.

Sinabi rin ng opisyal na ang testing sa ilang politicians ay may kaugnayan rin para sa "national security.”

Mababatid na sa mga sinuring mambabatas, tangin si Sen. Juan Miguel Zubiri lang ang nagpositibo sa coronavirus, na kasalukuyan ay asymptomatic.