Close

Djokovic, nakuha ang ikatlong Madrid open title

Sponsor ads


Nagwagi ang Serbian professional tennis player na si Novac Djokovic sa Madrid Open.

Nauwi niya ang kampeonato matapos patumbahin ang kalaban na si Stefanos Tsitsipas, isang Greek professional tennis player.

Ang iskor ng laban para sa ikatlong Madrid Open title ay 6-3 at 6-4 pabor kay Djokovic.

Dahil sa pagkapanalo ay sunod nitong paghahandaan ang nalalapit na French Open.