Close

Dimples naging tourism advocate dahil sa "Daniela memes"

Sponsor ads


Magiging katuwang ng Department of Toursim ang aktres na si Dimples Romana sa pag-promote ng magagandang destinasyon sa Pilipinas.

Ito ay matapos mag viral ang memes ng larawan ni Dimples bilang si Daniella sa teleseryeng Kadenang Ginto na may hawak na maleta.

Sa naturang memes ay nakarating si Daniella sa ibat ibang lugar sa bansa.

Personal na binisita ni Dimples na gumaganap bilang Daniella si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kung saan ipinahayag nito ang kagustuhang maging isang art-enthusiast at self-confessed museum-lover.

Pahayag ng aktres, very excited siyang maging katuwang ang DOT sa pagpromote ng mga lugar sa Pilipinas na hindi pa gaanong nakikilala.

Kabilang na rito ang heritage sites at museums.