Close

Diego, very happy para sa annulment ni Sunshine at Cesar

Sponsor ads


Very happy ang aktor na si Diego Loyzaga para sa kanyang tita o stepmother na si Sunshine Cruz.

Ito ay matapos mapabalitang annuled na ang kasal nito sa kanyang ama na si Cesar Montano.

Si Diego ay anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga.

"I'm happy for my Tita Shine that she's happy. That's all, I love my siblings, I love my Tita Shine." saad ni Diego.

Thankful din ngayon si Sunshine dahil kasabay ng pag-grant ng korte sa kanilang annulment papers ni Cesar ay bumuhos ang blessings sa kanyang buhay.

"May awa talaga ang Diyos. When people found out that I was separated, yung blessings nag-pour. Biglang ang daming offers, so nung time na yun, nag-decide ako." ayon kay Sunshine.