Close

Die Beautiful, umani ng parangal sa UK Film Festival

Sponsor ads


Umani na naman ng pagkilala sa ibang bansa ang pelikulang 'Die Beautiful'.

Ito ay matapos na magwagi ng Best Feature award ang pelikula sa ginanap na Newcastle International Film Festival sa United Kingdom mula March 29 hanggang April 1.

Mababatid na una nang nakatanggap ng iba't-ibang parangal ang 'Die Beautiful' sa loob at labas ng bansa na idinirehe ni Jun Robles Lana noong 2016 para sa Metro Manila Film Festival

Ang award-winning film ay tungkol sa buhay ng isang transgender woman na ginampanan ni Paolo Ballesteros.

Dahil sa success na nakamit ng pelikula, ginawan ito ng TV spin-off na 'Born Beautiful'.