Close

Desisyon ni Duterte na hindi pagshift sa MGCQ, napapanahon -OCTA

Sponsor ads


Naniniwala ang OCTA Research Group na napapanahon ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hindi nito pag-apruba sa rekomendasyon na isailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na buwan ng Marso.

Ayon kay Dr. Butch Ong, tama lamang ang naging tugon ng pangulo na hindi i-shift ang bansa sa MGCQ dahil na rin sa bahagyang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng covid-19 nitong mga nakaraang araw sa bansa.

Matatandaan na isa ang OCTA Team sa mga hindi sang-ayon sa rekomendasyon na ilipat sa MGCQ ang buong bansa at sa halip ay inirekomenda na lamang ng grupo ang unti-unti na pagsasailalim sa mas maluwag na quarantine status.

Sinabi pa ng OCTA na bagama’t alam ni Duterte ang kahalagahan ng muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa, mas pinili pa rin umano nito ang kaligtasan ng bawat Pilipino laban sa covid-19.