Close

DepEd, itinanggi ang kautusan sa pagpasara ng Lumad schools

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Region 12 na mayroong mga Lumad schools sa Region 12 ang naga-operate na walang permit.

Ito ang kinumpirma ni DepEd-12 Regional Director Allan Farnazo na may mga Lumad schools ang na-apply ng permit subalit hindi umano nabigyan dahil sa mga requirements na kailangang i-comply na nabanggit na mga paaralan.

Matatagpuan umano ang ilang mga Lumad schools sa Sarangani Province, South Cotabato, Sultan Kudarat at Cotabato province.

Habang nilinaw naman ni Farnazo na sa DepEd-12 wala sila umanong kautusan sa pagpasara sa mga Lumad schools, subalit ipinaalaala na disadvantageous sa mga bata sa kanilang school records kung papasok ito sa mga paaralan na walang permit mula sa DepEd. Joseph Reyes