Close

DepEd, aminado na kulang ang pondo para sa school repairs

Sponsor ads


Inamin ni Department of Education Undersecretary for Finance-Budget Performance Monitoring Anna Sevilla na kulang ang pondo ng ahensya sa pagpapaayos ng lahat ng mga silid-aralan at eskwelahan na nasira dahil sa lindol.

Ipinunto ni Sevilla na lalong dumadami ang mga ulat ng pinsala sa kanilang tanggapan sa tuwing nagkakaroon ng aftershocks ang lindol.

Ayon kay Sevilla, sa dami ng nangyayaring lindol, bagyo at sunog ay ubos na sa second quarter pa lang ng 2019 ang P2-Billion na inilaan para sa school repairs.

Base sa taya ng ahensya ay aabot sa P2.9-billion ang pinsalang idinulot ng lindol sa mga paaralan sa Regions 10, 11, 12 at BARMM.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga libro at computers na nasira sa lindol.

Samantala, aabot naman sa 959 na silid-aralan ang nasira pero nasa 917 lamang ang pwede pang maayos.

Dahil sa lindol ay naapektuhan ang pag-aaral ng tinatayang nasa 3.6-million na kabataan.