Close

Denver pasok na sa WCF matapos masilat ang Clippers

Sponsor ads


Nagtala ng kasaysayan ang Denver Nuggets matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa Game 7 ng Western Conference semi-finals, 104-89.

Ang Denver kasi ang kauna-unahang team sa NBA na nakabangon mula sa 3-1 deficit ng dalawang beses sa isang conference.

Unang nasilat ng Nuggets ang Utah Jazz sa 1st round ng playoffs kahit nauna itong manalo ng tatlong laro.

Nagpasiklab sa Game 7 ang dynamic duo ng Denver na sina Nikola Jokic na may triple-double performance 16 points, 22 rebounds, at 13 assists habang si Jamal Murray ay nagtala ng 40 points at 4 rebounds.

Kapwa naman inalat sa shooting ang dalawang superstar ng Clippers kung saan humakot lamang ng 10 points si Paul George sa kanyang 4 of 16 shooting.

Samantalang si Kawhi Leonard ay humakot ng 14 points sa pamamagitan ng 6 of 22 shooting percentage.

Makakaharap naman ng Nuggets sa Western Conference finals ang isa pang team ng Los Angeles na pinangungunahan ni Lebron James.

Ito na ang unang pagkakataon na muling makakapasok sa Western Conference finals ang Denver matapos ang labing-isang taon.