Close

Dengue info drive sa gitna ng pagsisimula ng tag-ulan, paigtingin- Binay

Sponsor ads


Nanawagan si Sen. Nancy Binay sa Department of Health, Department of Education at mga local government units na paigtingin ang pagsasagawa ng mga dengue information drive ngayong opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay Binay, nakakabahala aniya ang impormasyon na halos 100% ang itinaas ng dengue fever cases sa Cordillera mula Enero hanggang Mayo ng taon.

Giit ng senador, dapat na pagtulunganng health at education departments ang pagpapakalat ng tama at napapanahong impormasyon upang ma-educate ang lahat tungkol sa dengue at kung paano maiiwasan ito, lalo na sa mga paaralan.

Bukod rito, kinakailangan aniyang mag organisa ng mga malawakang clean-up drives bilang pangunahing preventive measure laban sa dengue.

Sa paglilinis na ito, dapat aniya iprayoridad ang drainage systems; water storage, catchments at impounding facilities; at flood-prone areas.