Close

Dengue death toll: higit 1000 na

Sponsor ads


Aabot na sa halos sangkapat o kuwarter ng isang milyon ang bilang ng mga nagkaroon ng dengue sa bansa.

Sa ulat ng Department of Health, pagpasok ng taong ito hanggang sa Agosto, umabot na sa higit 249,000 ang tinamaan ng naturang sakit sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na higit itong mataas sa tantsa ng Kagawaran na 240,000 cases sa kabuoan na ng 2019.

Kinumpirma rin nito na nakapagtala na ng 1,021 bilang ng mga nangamatay sa sakit.

Pinakamaraming kaso ng dengue ang naitala sa Western Visayas na umabot ng higit sa 42,000; sinundan ng Calabarzon na mayroong higit 35,000 na kaso; at higit 18,000 kaso naman ang naitala sa Northern Mindanao.

Sa kabila nito, nanindigan si Domingo na hindi sagot sa outbreak ang bakuna.

Kinakailangan pa ring pagtuunan ng pansin ang 4s strategy para mapuksa ang pagdami ng lamok bago pa man it magkalat ng sakit.
#