Close

Democrats hinarang ang $2-trillion package kontra COVID-19

Sponsor ads


Hindi pinalusot ng mga Democrats sa US House of Representatives ang hinihinging $2-trillion stimulus package para tugunan ang COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon sa mga mambabatas na kumontra, masyado umanong malaki ang halaga dahil posibleng kulangin ang pondo para sa ibang mga kailangang pag-ukulan.

Giit ni Senate Majority Leader Mitch McConnell, sana ay magbago pa ang isip ng mga Democrats sa oras na magbukas muli ang U.S. financial markets.

Samantala, nakatakdang pagbotohan muli ng mga mambabatas ang pagpasa sa economic stimulus bill sa lalong madaling panahon.