Close

Delta Air Lines, nagsorry sa pasaherong naupo sa dumi ng aso

Sponsor ads


Nag-sorry ang Delta Air Lines matapos na magreklamo ang isang lalaki mula Michigan dahil nang sumakay umano sya sa eroplano ay nakaupo sya sa upuan na mayroong dumi ng aso.

Ayon kay Matthew Meehan ng Bay City, sumakay sya sa flight mula Atlanta papuntang Miami at nakaupo na sya sa upuan nang mapansing nagkalat ang dumi ng aso sa upuan at sa lapag.

Giit pa ni Meehan, hindi siya ganoon inasikaso ng crew at ang binigyan lamang sya ng paper towels at isang miniature bottles ng Bombay Sapphire para maglinis.

Ending, tiniis na lamang ni Meehan ang amoy sa buong flight at naglagay na lang ng kumot sa upuan.

Sinabi naman ng Delta Air Lines sa isang statement na humihingi sila ng tawad sa insidente at nakipagtulungan na sa mga naapektuhang pasahero para magbigay ng refund,