Close

Debriefing sa mga batang witness sa Grade 7 slay case sa Laguna, nagumpisa na

Sponsor ads


Nag-umpisa na ang psychological debriefing at counseling para sa mga estudyanteng nakasaksi sa pagbaril-paty sa isang grade 7 student sa Castor Alviar National High School.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay P/Lt. Col. Jacinto Malinao, hepe ng Calamba City Police Station, kanyang sinabi na lumarga na ang naturang programa para matanggal ang takot ng mga bata.

Kung maalala, nangyari mismo ang krimen sa loob ng classroom kung saan binaril ng suspek na si Renz Ivan Balderama ang kinse-anyos na binatilyong sinasabing kanyang nakareslasyon.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang kanilang manhunt operation habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.
#