Close

Death toll sa Japan floods, nasa higit 130 na

Sponsor ads


(Update) Pumalo na sa 134 ang bilang ng mga namatay sa matinding pagbaha sa Japan dulot ng walang tigil na ulan.

Inaasahang tataas ang bilang ng mga casualties sa naturang kalamidad.

Kaugnay nito ay napilitan si Prime Minister Shinzo Abe na kanselahin ang kanyang four-country foreign trip dahil sa patuloy na pagtaas ng death toll.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang rescue efforts ng mga rescuers upang masagip pa ang mga natitirang trap sa baha.

Nasa 70,000 emergency workers na ang nagtutulong-tulong upang tumulong sa paglilinis dahil sa aftermath ng landslides.

Nakatakda namang bisitahin ni Abe ang mga sinalantang lugar sa nasabing bansa sa mga susunod na araw. CNA