Close

Death toll sa Iraq protests, pumalo sa 93

Sponsor ads


Aminado si Iraqi Prime Minister Adil Abdul-Mahdi na marami pang kailangan na gawin ang gobyerno nito laban sa kurapsyon.

Ito ay matapos sabihin ng Independent High Commission for Human Rights na pumalo na sa 93 ang bilang ng mga nasasawi sa mga bayolenteng kilos-protesta habang nasa 3,978 naman ang sugatan.

Sumiklab ang nationwide protests ng libo-libong mga tao sa Iraq dahil sa kurapsyon umano sa gobyerno, kakulangan sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at malinis na tubig, at dahil sa tumataas na unemployment.

Sa conciliatory speech ni Abdul-Mahdi ay kinatigan niya ang panawagan ng mga demonstrador kaugnay sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at pagkakaroon ng komprehensibong mga reporma.

Iginiit niya na kailangan ng gobyerno ang "greater effort" para malabanan ang kurapsyon.

Sinabi ni Abudl-Mahdi na malapit nang ipresenta ng gobyerno ang proyekto nito na kayang magbigay ng basic wage sa mga mahihirap upang mabuhay na may dignidad ang lahat ng mga pamilya sa Iraq.