Close

Death threat kay Angel Locsin, handang tugunan ng NBI

Sponsor ads


Nagbabala ang National Bureau of Investigation na sinseseryoso nito ang anuman pagbabanta sa buhay ng mga tao kabilang na sa mga artista matapos makatanggap ng death threat ng aktres na si Angel Locsin.

Tiniyak ng NBI na maaring humingi ng saklolo ang aktres sa kanilang himpilan kung sa palagay nito ay nalalagay ang buhay niya sa panganib.

Sinabi ng NBI na seseryosohin nito ang lahat ng pagbabanta kabilang na ang mga ipinapadala sa social media.

Sa Instagram post ni Angel ay ipinakita niya na meron netizen ang nag-alok ng P200-million reward money para sa kahit sino na makakapatay sa kanya at sa iba pang mga artista ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga tinukoy sa death threat ang sina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Coco Martin, at pati ang CEO ng network na si Carlo Katigbak.

Ginamit pa ng netizen, na may handle name na si NJ Abellanosa ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng GMA Network, kung saan ay sinabi niya na dapat ay tumugon ang mga supporters ng Pangulo at ng GMA sa kanyang hamon na patayin ang mga nabanggit na personalidad.

Hindi naman natinag si Angel sa pagbabanta ng netizen, at sinabi bilang reply: "Hello, NBI? Beke nemen po..."