Close

De Lima, tumanggi sa plea deal sa drug case

Sponsor ads


Tumanggi ang nakakulong na si Senator Leila de Lima na pumasok sa isang plea agreement para sa pangalawang drug case nito na inihain ng Department of Justice (DOJ).

Hiwalay na dumating sina de Lima at ang kapwa niya akusado na si Ronnie Dayan sa Muntinlupa Hall of Justice para dumalo sa kanilang mga hearing.

Nahaharap ang Senadora sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading na labag sa Section 26 ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni de Lima kay Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na wala siyang kailangan na i-plead dahil gawa-gawa lamang ang mga inihain na kaso laban sa kanya.

Hindi naman na-arraign ang kapwa akusado ni de Lima na si Jose Adrian Dera na patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Mababatid na na-arraign si De Lima sa ilalim ng case 17-166 na orihinal na inihain ng DOJ bilang illegal drug trading pero kalaunan ay binago ito sa conspiracy to commit illegal drug trading.

(Photo: Office of Senator Leila De Lima)