Close

De Lima, tinawag na ignorante si Alvarez

Tinawag ni Senator Leila De Lima na ignorante si Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa banta niya na huwag bigyan ng pondo ang Commission on Human Rights (CHR) at i-impeach ang chairperson nito si Chito Gascon.

Ayon kay De Lima, ang pagiging ignorante ni Alvarez sa constitutional mandate at functions ng CHR ay naging kapansin-pansin matapos ang mga banta nito sa ahensya.

Giit ni De Lima, hindi impeachable officials ang mga CHR chairpersons ngunit maari lamang sila madisiplina o matanggal mula sa office of the Ombudsman.

Sinabi rin ni De Lima kay Alvarez na hindi nilikha ang CHR para protektahan ang mga opisyal ng gobyerno at ang mga pulis.

Trabaho daw nito na siguraduhing hindi aabuso ang mga makapangyarihang tao sa kanilang panunungkulan.

Matatandaan na kinwestyon ni Alvarez ang pagdipensa ng chairman sa mga suspek sa krimen at pagbisita nito kay De Lima na nakakulong ngayon.