Close

Day 1 COC filing: Senatorial wannabes sa 2019 poll

Sponsor ads


Isang incumbent senator, musician, at mga dating mambabatas ang kabilang sa listahan ng mga senatorial aspirants na naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) headquarters kahapon.

Kabilang sa mga fist day filers ay sina, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III; Freddie Aguilar; Bayan Muna chairman Neri Colmenares; dating Department of Health consultant Dr. Willie Ong; dating ARMM Assemblyman Samira Gutoc-Tomawis, at dating Manila City Councilor Atty. Danilo Roleda.

Ang mga ito ay mula sa iba't-ibang partido gaya nina Pimentel at Aguilar na mula sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), si Ong ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party, Tomawis sa ilalim ng opposition Liberal Party (LP), at si Roleda naman sa ilalim ng United Nationalist Alliance.