Close

Dating kandidato sa pagka-alkalde, patay sa pamamarill sa Cebu City

Sponsor ads


Wala nang buhay nang maabutan ng mga operatiba ang 2019 mayoral candidate na bumulagta sa bahagi ng Fulton Street, Barangay Apas, Cebu City, matapos itong paulanan ng bala ng limang hindi pa nakikilalang salarin.

Sinabi sa ulat ng Mabolo Police Station na bukod sa napaslang na biktima na si Ruben Feliciano, ay kasama rin sa pinagbabaril ay ang pamangkin nito na si Kim, na ngayon ay stable na ang kundisyon sa pagamutan sa Cebu.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, papauwi galing trabaho ang dalawang biktima nang sila ay pagbabarilin ng mga salarin na bumaba mula sa puting van.

Matapos ang pamamaslang ay agad tumakas ang mga salarin gamit ang naturang sasakyan na walang lisensya.

Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang limang catridge cases ng hindi pa maditermina na kalibre ng baril, pitong round ng live ammunition ng hindi pa matukoy na kalibre, tatlong deformed slugs, at isang Gloc pistol na may 11 bala.

Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.