Close

Dating Viva Hot Babe Jaycee Parker, bagong konsehal ng Angeles, Pampanga

Sponsor ads


Inanunsyo ng dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Jaycee Parker ang kanyang pagkapanalo sa Instagram bilang konsehal ng Angeles City, Pampangga.

Base sa binilang na boto ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ay nakalikom si Parker ng 57, 834 na boto.

Dahil dito ay nasa ikaapat na pwesto si Parker mula sa lahat ng mga kumandidato bilang konsehal.

Samantala, ang mister naman ni Parker na si Jericho Aguas ay ang outgoing councilor ng Angeles City.

Si Aguas ay ang dating asawa ng yumaong aktres na si Isabel Granada.

Mababatid na kabilang si Parker sa Partido ABE Kapampangan na pinangunahan ni outgoing Angeles City mayor Ed Pamintuan.