Close

Dating Nazi labor camp guard, nasawi sa edad na 95

Sponsor ads


Pumanaw na ang dating Nazi labor camp guard na tumira sa Estados Unidos ng ilang dekada matapos ang World War II.

Sa edad na 95-anyos ay sumakabilang buhay si Jakiw Palij sa Germany.

Si Palij ay dating prison guard sa Trawniki Labor Camp sa Poland na sinakop ng Germany noong World War II.

Nagtungo si Palij sa US noong 1949 at nanirahan ng ilang dekada sa Queenz, New York City bago siya na-deport pabalik ng Germany noong August 2018.

Naging US Citizen si Palij noong 1957 matapos nitong magsinungaling sa immigration officials kaugnay sa naging papel niya noong World War II.

Matatandaan noong 2001 ay inamin niya sa US Department of Justice na nagtrabaho siya para sa Trawniki Labor Camp kung saan ay pinaslang ang 6,000 Jewish prisoners noong 1943, na kinunsidera bilang isa sa mga pinakamalaking masaker noong Holocaust.