Close

Dating NBA champion at Sixth Man of the Year Barbosa, magreretiro na

Sponsor ads


Inanunsyo ni dating NBA champion at Sixth Man of the Year Leandro Barbosa ang kanyang pagreretiro at sinabing siya ay sasali sa Golden State Warriors bilang “player mentor coach.”

Si Barbosa, ay naglaro ng 14 NBA seasons at mayroong limang teams mula 2003 hanggang 2017 bago ito bumalik sa kanyang lugar sa Brazil para ipagpatuloy ang kanyang playing career.

Ang 37-taong gulang na first-round pick (28th overall) sa 2003 NBA Draft, ay nanalo ng Sixth Man honors sa Phoenix Suns noong 2006 hanggang 2007 at tinulungan ang Warriors na manalo sa NBA championship noong 2014 hanggang 2015.

Si Barbosa ay nakapagtala ng averaged 10.6 points, 2.1 assists at 2.0 rebounds sa 850 career games o (112 starts) sa Suns, Toronto Raptors, Indiana Pacers, Boston Celtics at Warriors.

Maliban dito nakagawa rin ito ng 988 career 3-pointers.