Close

Dating Japanses PM Yasuhiro Nakasone, nasawi sa edad na 101

Sponsor ads


Pumanaw na si dating Japanese Prime Minister Yasuhiro Nakasone sa edad na 101-taong gulang.

Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe na naharap kaagad si Nakasone sa mabibigat na responsibilidad nang pamunuan nito ang Japan sa loob ng 5 taon dahil katatapos lamang ng giyera noon.

Ipinunto ni Abe na sobrang lala ng sitwasyon sa Japan sa loob at labas ng kanilang bansa noon, dahil sa kumprontasyon ng mga militar ng East at West at dahil sa Japan-U.S. trade frictions.

Inayos ni Nakasone ang relasyon ng Japan sa Washington dahil sa pakikipagkaibigan niya kay dating US President Ronald Reagan.

Noong panahon ni Nakasone bilang Prime Minister mula 1982-1987 ay nilabanan nito ang bureaucrats upang ipatupad ang kanyang mga reporma sa Japan.

Gayunman, inamin mismo ni Nakasone na bigo siya sa kanyang pangarap na rebisahin ang pacifist at US-drafted constitution ng Japan, upang maging malinaw ang malabong status ng militar.

Naging kontrobersyal naman si Nasakone nang sabihin nito na handa siya gawing unsinkable aircraft carrier ang Japan para sa US Froces sakaling magkagiyera laban sa Soviet navy.