Close

Dating CHR Chairperson Rosales sa P1k budget ng CHR: 'insulto'

Kinuwestyon ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales ang pag-apuruba ng Kamara sa P1,000 budget ng ahensya para sa sususnod na taon.

Ayon kay Rosales, malaking insulto ito para sa CHR sapagkat binuo ito para protektahan ang kapatang pantao ng lahat.

Giit ni Rosales, kung babawasan ang pondo ng CHR ay malaking sampal at dagok ito para sa karapatan ng mga Pilipino na maprotektahan.

Dahil dito, binigyang-diin pa ng dating CHR chairperson na dapat lang na magalit ang taumbayan dahil sa naging desisyon ng mga mambabatas.

Bukod dito ay pinayuhan ni Rosales ang CHR regional offices na manawagan sa mga kongresista na pumabor sa panukala dahil tila hindi naman nila ito pinag-isipang mabuti. |Jasmine Cruz