Close

Daraga Mayor Baldo, pinayagang magpiyansa

Sponsor ads


Pinayagan na ng korte na makapagpyansa si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Sa ibinabang order ng Legazpi Regional Trial Court Branch 10, itinakda ang P3 milyon in cash o P4 milyon in surety or property bond sa kondisyong dadalo si Baldo sa korte kapag ipinag-utos, linggo-linggong mag-rereport sa Region 5 police, iwasang isapubliko ang mga detalye tungkol sa kaso at agad na sumuko sakaling kasuhan sa korte.

Maliban dito, ibinaba na rin ang posibilidad na tumakas si Baldo at lumipad paalis ng bansa nang walang court permission.

Gayunman, binigyang diin ng korte na ang nasabing order ay para lamang sa mga reklamong illegal possession of firearms and ammunition, dahilan ng pagkaka-aresto kay Baldo noong nakaraang buwan at hindi kaugnay sa pagpatay kay Congressman Batocabe.

Sinabi ng korte na kailangang i-apply ang presumption of innocence kay Baldo.