Close

Dalawang rubber boats, ipinahiram ng Grab sa MMDA

Sponsor ads


Pinahiram ng Grab Philippines ang dalawang rubber boats sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at sa local government ng Marikina City para magamit sa 'Bagyong Ompong rescue missions.'

Sa pahayag ng Grab Philippines ay sinabi nito na ang mga rubber boats ay para sa emergency use ng mga empleyado at ng mga partners na transport network vehicle service (TNVS), at ito ay pinahiram sa gobyerno upang makatulong pa sa pagligtas ng buhay ng masasalanta.

Dagdag pa ng Grab, maaaring bumili pa sila ng ilang unit ng rubber boats para sa future rescue missions.

Naglabas naman ang kumpanya ng hotline numbers para sa typhoon-related emergencies at concerns para sa kanilang mga pasahero at TNVS partners.

Para sa mga pasahero— Globe: 0966 815 5619 at Smart: 0929 199 3296

Para sa TNVS partners — Globe: 09274079011 at Smart: 09497687711.