Close

Dalagita, tinangkang gahasain

Sponsor ads


NUMANCIA, AKLAN — Tinangkang gahasain ang isang 16 anyos na dalagita matapos pasukin ng hindi kilalang suspek ang unit nitong tinutuluyan sa isang subdivision sa bayan ng Numancia, Aklan.

Sa imbestigasyun ng Numancia PNP, mag-isa lang na nakatira ang biktima sa kanilang unit sa Camella Homes dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito.

Habang natutulog umano ang biktima ay bigla nalang may tumakip ng kanyang bibig at sinuntok siya ng suspek sa kanyang sikmura at hinubaran.

Nanlaban ang dalagita sa pamamagitan nang pagkalmot sa mukha ng suspek at agad na nakasigaw at humingi nang tulong.

Agad namang tumakas ang suspek na patuloy pinaghahanap ng Numancia PNP.