Close

Dagdag sweldo para govt workers, pwede sa reenacted budget

Sponsor ads


Maaari pa ring maibigay ang pangakong dagdag na sweldo para sa mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng reenacted budget ayon sa Department of Budget

Ngunit paglilinaw ng DBM, para mailabas ang fourth tranche ng salary increase ng mga ito, dapat munang gumawa ng isang executive order ang pangulo.

Normal naman aniyang makapos sa pondo kaya kakailanganin ang EO para magkaroon ng dagdag na pondo.

Ito ang naging pahayag ni DBM officer-in-charge Janet Abuel matapos maantala ang salary increase dahil sa hindi pa rin malagdaang 2019 national budget dulot ng iringan sa pagitan ng liderato ng kamara at senado.

Sa ilalim ng fourth tranche ng salary standardization, aabot sa P40 hanggang P50 bilyon ang dagdag na pondong kakailanganin ng DBM para masakop sa dagdag sahod ang lahat ng kawani ng pamahalaan.