Close

Dagdag benepisyo sa OSG employees, tinutulan ng Pangulo

Sponsor ads


Hindi nakalusot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magpapalakas sa kapangyarihan ng Office of the Solicitor General.

Sa veto message ng Pangulo ay sinabi nito na bagama't suportado niya ang pagpapalakas sa OSG ay dapat makunsidera pa rin ang epekto ng panukala sa buong burukrasya ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, nababahala siya sa ilang probisyon na may kinalaman sa dagdag benepisyo na matatanggap ng mga empleyado ng OSG.

Paliwanag ng Punong Ehekutibo, hindi magiging patas sa mga public servants sa executive brach ang karagdagang benepisyo na ibibigay sa OSG sakaling maisabatas ang panukala.

Lalab anya ito sa prinsipiyo na 'equal pay for work of equal value'.

Matatandaan na inulan ng batikos ang bersyon ng panukala ng House of Representatives dahil sa probisyon na bubuwag sa Office of the Government Corporate Counsel at Presidential Commission on Good Government na nakaatas na habulin ang nakaw na yaman ng pamilya ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Gayunpaman, namayagpag ang bersyon ng Senado kung saan ay pinanatili nito pareho ang OGCC at PCGG.