Close

Daga, suspek sa pagnakaw ng pares na diamond earrings

Sponsor ads


Nakiskubre na ng isang jewelry store owner sa India kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng magkapares na diamond earrings.

Ayon kay Dheeraj Kumar, napansin umano niyang nawawala ang dalawang diamond ear tops mula sa kanyang Patna, Bihar, store, at pinaghihinalaan nito ang kanyang mga empleyado bilang mga suspek.

Nang reviewhin nito ang security camera footage nakitang, isang daga pala ang "magnanakaw".

Nakitang lumabas mula sa bubungan ang isang daga, at matapos na makuha ang mga alahas ay agad itong humaripas.

Hindi naman nakita na ang naturang mga diyamante.