Close

Daan-daang Roman gold coins, nahukay sa isang basement sa Italy

Sponsor ads


Nahukay ang hindi bababa sa 300 Roman gold coins na nasa loob ng isang soapstone jar na mula pa sa Roman imperial era sa basement ng Cressoni Theater sa Como, Milan.

Ayon sa Ministry Cultural Heritage and Activities, dinala ang mga barya sa Mibac restoration laboratory sa Milan para masuri at mapag-aralan ng mga archaeologist.

Base sa ilang local media reports, di umano aabot sa milyong dolyar ang halaga ng mga nahukay habang wala pang inilalabas na ulat ang ministry ukol dito.

Itinuturing naman ni Culture Minister Alberto Bonisoli na tunay na kayamanan ang lugar para sa archeology ng kanilang bansa dahil sa rami ng gold coins na natatagpuan dito.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsusuri at inaalam pa ng mga otoridad ang mga detalye ng mga natagpuang barya. // OESILE CAGUIÑGIN