Close

DTI iimbestigahan ang umanoy scam ng shopee

Sponsor ads


Iimbestigahan na ng Department of Trade and Industry ang umanoy scam ng online shopping app na Shopee.

Ito ay matapos magreklamo ang ilang users at fan ng K-pop group na Blackpink dahil hindi sila nabigyan ng ticket para sa meet and greet nito.

Paliwanag ni Trade Sec. Ramon Lopez, mayroong 119 katao na hindi nabigyan ng ticket pero may 119 naman na napagkalooban nito bagamat hindi sila nanalo sa promo.

Hindi naman itinanggi ng Shopee ang system error na nag-ugat na pagbibigay ng passes sa mga hindi dapat pagkalooban nito.

Aabot na sa 10 ang naghain ng reklamo sa Shopee.

Oras na makitaan ng paglabag ang online shopping app ay posible itong pagmultahin ng P300,000.