Close

DTI chief, aminadong mahirap maibalik sa ECQ ang Metro Manila

Sponsor ads


Aminado ang Department of Trade and Industry na mahirap nang bumalik sa mas mahigpit na enhanced community quarantine sa Mega Manila, sa gitna ng panawagan ng medical community para sa mas mahigpit na COVID-19 restrictions.

Sa isang pahayag, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na suportado niya ang panawagang tugunan ang mga reklamo ng mga healthworkers, pero marami umanong paraan para mapaganda ang crisis situation.

Dagdag ni Lopez, may kapasidad naman umano ang mga local government units na magpatupad ng granular lockdowns, at itinakda na rin umano ang mahigpit na health protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, binigyang diin rin ng DTI chief ang kahalagahan sa pagbalanse sa kalusugan at ekonomiya sa panahon ng naturang krisis.