Close

DTI, balak nang ibalik ang dine-in service sa mga restaurant

Sponsor ads


Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na payagan nang magdine-in ang mga customer sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, posibleng irekumenda ng ahensya na ibalik na ng mga restaurant ang kanilang dine-in service pagkatapos i-check at aprubahan ng DTI ang special health protocol standards.

Mababatid na sa ngayon ay limitado lamang ang operasyon ng mga restaurant na para lamang sa take-out at delivery sa ilalim ng modified enhanced community quarantine at GCQ.

Dahil dito, nanawagan na ang mga restaurant owners na payagan nang pakainin ang mga customers sa loob ng establisyemento.

Nagbabala silang posibleng kalahati ng 16,00 restaurants sa bansa ang magsara dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.