Close

DSWD sa publiko: Huwag magbigay ng limos sa pulubi

Sponsor ads


Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga bata, pulubi at indigenous people na naglipana sa kalsada ilang linggo bago mag-Pasko.

Ayon sa DSWD, labag sa batas ang pagbibigay ng limos salig sa Presidential Decree Number 1563 kung saan bawal ang paghingi o pagsosolicit ng charitable donations sa mahihirap at iba pang religious organizations sa kalsada.

Isa umano sa layunin ng batas ay maiwasan ang exploitation sa mga sanggol at bata.

Sa halip ay hinimok ng ahensya ang pag-organisa ng gift-giving, caroling, feeding program, story-telling at medical missions sa activity centers ng local government units para matulungan ang mga nangangailangan.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa LGUs para masolusyunan ang mga naninirahang pulubi sa kalsada tulad ng Badjao at Indigenous People.