Close

DSWD, hindi umano patas sa ayuda - Home-based evacuees

Sponsor ads


Nagsagawa ng protesta ang ilang home-based evacuees sa Marawi city dahil sa hindi umano patas na pagtrato sakanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tinatayang nasa 43 ang bilang ng mga pamilya na nakilahok sa protesta kung saan ay minartsa nila ang daan na may habang 3 kilometro mula sa Barangay Pacalundo hanggang sa munisipyo ng Baloi.

Ayon sa mga nagprotesta, tumanggi ang DSWD na bigyan sila ng ayuda dahil wala sila sa loob ng evacuation centers.

Mababatid na nasa 384,000 ang bilang ng mga residente na lumikas mula sa Marawi dahil sa pagsiklab ng giyera doon sa pagitan ng militar at ng Maute-ISIS group.

Nasa 67 ang bilang ng mga evacuation centers ang inilaan para sa mga bakwit pero ang iba sa mga ito ay nagdesisyon na manuluyan sa kanilang mga kamag-anak na may bahay sa labas ng Marawi.

(PHOTO: PDI)