Close

DOTr, handang tumulong sa mga maapektuhan ng bagyo

Sponsor ads


Sinigurado ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa publiko na handa ang Department of Transportation (DOTr) at ang iba pang agencies na kasama ng kagawaran sa pagtama ng Bagyong Ompong.

Sa inilabas na pahayag ng Kalihim ay sinabi nito na humagupit man ang bagyo o hindi ay nakahanda na ang relief goods at cash na pwedeng ipambili ng mga pangngangailangan ng mga tao.

Humingi naman ng paumanhin si Tugade sa mga naapektuhan ng mga kanselado at delayed na flights.

Giit ni Tugade, ginawa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabihan rin ng DOTr ang Philippine Ports Authority (PPA) na ilipat ang mga naistranded na pasahero ng Manila North Harbor sa evacuation center sa Tondo matapos makansela ang byahe ng Ro-Ro papuntang Dumaguete.

Pinalalahanan rin ng DOTr ang publiko na maging alerto at maghanda ng relief goods, cash at mga dokumentong mahahalaga kung sakaling kailangang lumikas.