Close

DOT, planong i-ban ang international cruise ships sa Bora

Sponsor ads


Pinag-aaralan ng Department of Transportation na ipagbawal ang mga international cruise sa Boracay oras na sumapit ang peak season gaya ng summer vacation, Semana Santa, at Pasko.

Paliwanag ni DOT Regional director Helen Catalbas, ito ay para matiyak na hindi lalagpas ang bilang ng turista sa carrying capacity nito.

Mababatid na itinakda ng ahensya ang bilang ng turista sa 6,405 lamang kada araw.

Bawat cruise ships ay mayroong sakay na 1,500 hanggang 4,500 na pasahero kaya hindi malabong malabag ang carrying capacity oras na payagan itong dumaong sa isla.

Samantala, simula nang muli magbukas sa publiko ang Boracay ay dadalawang cruise liner pa lamang ang dumaong rito.