Close

DOH: May nadiskubre bagong COVID-19 clusters sa Calabarzon, Bulacan

Sponsor ads


Ibinahagi ng Department of Health na ang bagong clusters sa mga kaso ng COVID-19 ay kabilang sa mga factors na nagdulot sa pagtaas ng coronavirus tally sa Calabarzon at Bulacan.

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, natukoy nila ang limang bagong clusters sa Calabarzon at apat naman sa Bulacan.

Dagdag pa ni Vergeire, ang pagtaas sa kaso ay dahil sa patuloy na community transmission at expanded testing.

Binigyang diin naman ng DOH na ang mga probinsya at lungsod ay nakitaan ng pagtaas sa coronavirus cases sa nakalipas na dalawang linggo ay kinabibilangan ng Cotabato City; Sarangani; Nueva Vizcaya; South Cotabato; General Santos City (Dadiangas); Tawi-tawi; Dagupan City; Abra; Biliran; Puerto Princesa City; at Cagayan De Oro City.

Kabilang rin sa listahan ang La Union; Bataan; Sultan Kudarat; Butuan City; Ifugao; Aurora; Negros Occidental; Davao Del Sur at Capiz.