Close

DOH sa mga taga-M.Mnl:'Wag makipagsabayan sa pagbili ng N95

Sponsor ads


Umapela ngayon ang Department of Health sa mga taga Metro Manila at mga lugar na hindi naman apektado ng ash fall na huwag makisabay sa pagbili ng N95 face masks matapos mapabalitang nagkaka-ubusan na nang stocks nito sa merkado.

Ayon kay Health Assistant Sec. Maria Francia Laxamana sinabi nitong mas kailangan ang ganiyongburi ng face masks ng mga taga Batangas, Laguna, at Cavite na direktang naaapektuhan ng ash fall.

Ayon kay Laxamana hindi naman kailangan magpanic buying ang mga taga metro manila dahil hindi naman ito masyadong natatamaan ng abo mula sa bulkang taal.

Sapat na ayon sa opisyal ang surgical masks na pantakip sa bibig at ilong ng mga taga metro manila.

Kinumpirma din ng DOH mayroon na nangyayaring hoarding sa N95 mask na ibinibenta sa mataas na presyo dahil sa mataas na demand nito sa publiko.