Close

DOH nais ipagbawal ang tingi-tinging bentahan ng sigarilyo

Sponsor ads


Pinag-aaralan ng Department of Health na ipagbawal na ang tingi-tinging bentahan ng sigarilyo o ang kada stick nito.

Ayon kay DOH Spokesperson Eric Domingo, ito ay para mabawasan ang bilang ng nagsisigarilyo.

Pahayag ni Domingo, ginagawa na ito sa ibang bansa.

Mas mahirap bilhin ang isang pakete dahil mahal ang presyo nito kaya mahihirapan rin ang mga bata na bumili ng sigarilyo.

Bukod pa rito, nais ring itaas ng ahensya ang required age para sa pagsisigarilyo, pagbenta at pagbili nito sa 21 taong gulang mula sa kasalukuyang 18-anyos.

Ito ay dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagyoyosi.

Batay sa resulta ng Global Youth Tobacco Survey 2015, 12% ng mga estudyante na may edad 13 hanggang 15 ay nagsisigarilyo na.

17.6% nito ay lalaki habang 7.0% naman ang babae.